January 9, 2011

Ihip ng Hangin - Pepe Smith

Ang mga sumusunod ay marapat lamang na isulat sa Wikang Filipino, pagpupugay sa musikerong tunay na nagmamahal sa Awiting Pinoy: PEPE SMITH


Tunay na pangalan: Joseph William Feliciano Smith
Kilala bilang : Joey Smith o Pepe Smith

Mga magulang: Ang kanyang ama ay Aleman-Amerikano, ang nanay ay Filipina-Cebuana.


(Ang larawan sa baba ay kuha sa SM Baguio, taong 2010)



Si Pepe ay kabilang sa kilalang grupong Juan Dela Cruz, kasama ang mga manunugtog at mang-aawit na sila Wally Gonzales at Mike Hanopol. Ang Juan dela Cruz Banda ang nagpasimula ng "rock music revolution" sa Pilipinas.




Ang "video" ay hango sa Youtube, kung saan si Pepe Smith ay umaawit ng Ihip ng Hangin. Aking ibinabahagi sa inyo upang ramdamin at namnamin ang bawat titik sa awiting ito. Parang gusto kong maiyak sa dalawang kadahilanan: Una, makabagbag damdaming tunay ang pagkaka-awit ni Pepe ng musikang ito. Ang bawat letra o salita ay nanunuot sa kaibuturan ng aking puso. Ikalawa, grabe ang hirap humugot ng salitang Filipino!




(Nahirapan akong hanapin ang titik ng Ihip ng Hangin, wala akong nakita. Kaya aking pinakinggan ng paulit-ulit ang kantang ito at dahan-dahang tinipa sa kibord (keyboard ba ng laptop) upang maibahagi sa inyo. Maaari lamang gamitin ang mga sumusunod na titik (lyrics) sa pangangailangang pang edukasyon, upang maprotektahan ang lumikha ng awiting ito)
IHIP NG HANGIN
Sa ihip ng hangin, di ko namalayan
Na ako pala'y naligaw sa isang panaginip
Na di ko pa narating at naranasan
Ngayon ko lang nadama
Yakap ng umaga at halik ng mga bituin
Ibibigay ko sayo ohhh
Ang pag-ibig ng buong mundo oh oh oh oh
Sa agos ng tubig, aking naririnig awit ng buhay
Sa bawat patak ng ulan
Mga luha'y nahugasan,
Ibibigay ko sayo ohhh
Kaligayahan ng buong mundo oh oh oh oh
Masdan mo ang bahaghari
Tulay na papuntang langit
Daan nga ating panaginip
Katulad ng mga ulap
Ang mga pangarap
Lumulutang sa ihip ng hangin
Awitin natin to oh oh
At isigaw mo sa buong mundo
Ihip ng hangin, parang ihip ng hangin
Ihip ng hangin, iyong awitin

3 comments:

  1. sya yun nasa commercial, panay isip ko ano name nya hihi, pepe smith pala :)

    ReplyDelete
  2. Joy: Hi! Sya nga si Pepe Smith. I was chatting with Garbin last night, classmats pala kayo dati sa Nova High. I didn't go there but I'm from Nova too. We're really connected no, tukayo!

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!