January 5, 2012

Kapuri-puring LTO-Novaliches

Ilang Land Transportation Office na rin ang aming nabisita sa mahaba habang panahon, ngunit bukod tangi ang LTO-Novaliches. Aba, pagpasok pa lang mas maayos ito sa lahat. Walang mga kahina-hinala at nakatatakot na mga manong (basa: fixers) ang haharang sa iyong daraanan.

Kapag palinga-linga ka, at tila baga nawawala o di alam ang gagawin, lalapit ang mamang ito, Head ng Security, upang ikaw ay tulungan sa iyong katanungan.

Bagamat may kainitan kapag nasa labas ka ng bawat silid, maayos at malinis naman ang kapaligiran sa labas at loob man.

Meron ding kaming nakitang mga kamera sa paligid para di umano sa pagbabantay ng mga nagbabalak na fixer. Wala daw nakakapasok na fixer dahil namamataan nila agad sa tulong ng kamerang ito.

May maayos na sistema kaya mabilis din ang serbisyo. Inakala nga namin na isang buong araw ang aming gugugulin para sa rehistrasyon ng aming sasakyan, di naman pala.

Malawak din ang paradahan ng mga sasakyan

Ang maliliit na kainan ay maayos na naka hanay.

Mabilis kumilos ang mga tauhan dito. Alas dose ng kami ay dumating sa kanilang tanggapan, akala namin oras na ng tanghalian. Nagulat at natuwa kami na may nag asikaso sa amin. Yun naman pala e, salitan sila ng oras ng breyk sabi ni Kuya.

Maraming ipinagbabawal sa LTO:




Pero di naman bawal ang matulog ng nakataas ang dalawang paa, tulad ni Nanay na tila ba nasa ika-siyam na ulap sa himbing ng pagkakahimlay.

8 comments:

  1. ang pogi naman ng mama sa harap ng aleng natutulog!!!

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. hahaha agree ako jan, ikaw na lang palagi ang model papa J ha... hihihi

      Delete
    2. Great post joy of my life! At dahil jan, marami kang matutulungan... ;)

      Delete
  3. Ayus si Ate! Inantok sa kakabilang ng butiki. Hihi.

    ReplyDelete
  4. uy ang ganda naman ng LTO n to!! talaga walang fixers?? hmmm sa Tayuman mayron pero andun malapit sa Lrt :)) ahahhahahaha ang ganda dyan ah...may kainan pa na super straight pagkaka ayus :)

    ReplyDelete
  5. me reply comment talaga si papa J pag ganon. okey, sige, i agree.. :)

    sana dumami pa lahing ganyan. it's more fun nga talaga in the Philippines. :) Novaliches branch pala.. kudos to them!

    ReplyDelete
  6. wow organize at malinis parang d ka ma bored mag pa register...sana lahat ganito

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!