June 11, 2012

Anak ng Itlog

Sa tuwing nagluluto ako ng itlog 
lagi kong naiisip, ang mga anak para ding itlog.

May anak na parang sunny side up, 
ang hirap tantyahin kung mabubuo ang pula o dilaw.

May mga anak na parang scrambled 
bati at konting asin lang, ayos na.

May mga anak naman na parang bahala na
kung magiging scrambled o sunny side up.

May mga anak din na hard-boiled,
naku po, sila ang mga pasakit sa ulo!

Ngunit bilang isang inahin 
walang ibang pwedeng gawin 
kundi ang limliman, mahalin at arugain
ang bawat itlog upang maging ganap na sisiw.

Ito ang aktwal  kong luto para sa tatlo kong itlog...este anak pala.

Ay, anak ng itlog! Kakatipa ko dito sa blog na ito, 
nasunog na naman ang niluluto kong itlog!


8 comments:

  1. wag mong kalimutan ang isa pang anak mo - ang SUNOD n itlog! napabayaan at nakaligtaan

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay naku, di ko makakalimutan yang 2 itlog na yan. yan ang nagpapaligaya ng aking buhay...ahahahay!

      Delete
  2. ahahay, kakahatid ko lang at dumaan ako sa tindahan ng itlog, bumili ako 10.. hehe.. maka-itlog talaga mga sisiw mo, alala ko las nga sa trip, sa kanila itlog.. hehe.. kakahatid ko pa lang and so antok pa ko, habol ko pa antok ko, sumilip lang ako baka me argentina na trabaho hihi..
    good morning sunny side up!

    me : you are like sunny side up..
    girl pick up: bakit?
    me : kasi parang sunny ang smile mo.

    girl back up: kuha mo? iba ka, girl pick up.. :))

    ReplyDelete
  3. just like life eh? "a box of chocolates" ika nga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes, and you got the bitter choc'late..in me. lol!

      Delete
  4. Hahaha. Ayus to sis ah. Akala ko kung ano 'to.. tula pala. Salamat po pala sa gift. As in in-advance mo talaga ang gift huh. Hindi ko pa nabubuksan pero parang may feeling ako na toot* ang laman. Hehe. Thank sa inyo nila Nora at Jes. So sweet! :)

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!