July 30, 2012

Nakapagpapainit at Nakapagpapasaya


Ang aking asawa ay lumaking Ingles ang pangunahing salita, kaya ang aming mga anak ay ganun din ang kinalakihan. Kung iisipin, tunay namang kyut na kyut pakinggan ang mga batang may isa hanggang anim na taong gulang na magaling mag-Ingles. Ngunit kung tutuusin, sakit ng ulo ng mga magulang pag nagsimula ng mag-aral sa unang baitang.

Tulad ngayon, unang pagsusulit na ng mga bata sa darating na Agosto. Kayan naman, panay panay na ang pag-babalik-aral namin, lalo na sa mga araling Sibika at Filipino. Tunay namang sumasakit ang ulo ko sa  pagtuturo! Nalagpasan ko na ang hirap sa kambal na sila Julia at Rafael. Ngunit umpisa pa lang ang pasakit sa bunso kong si Juan. Kahapon lamang, ganito kami: 

Ako: O, pag-aaralan natin ang mga magagalang na pagbati. (I translated to English para mas maintindihan nya)
Juan: Okay, Mom.
Ako: Ano ang magalang na pagbati pag  umaga?
Juan: Magandang umaga po.
Ako: Pag tanghali?
Juan: Magandang tanghali po.
Ako: Pag hapon?
Juan: Magandang hapon po.
Ako; Pag mataas ang araw?
Juan: Magandang mataas na araw po.
Ako: (high blood na) hindi! Dapat, magandang tanghali
Juan: Why, Mom? What's mataas na araw ba?

Ngayon naman, eto kami:

Ako: Pag-aaralan natin ang mga tao na nasa pera ng Pilipinas. (I translated to English para mas maintindihan nya)
Juan: Okay, Mom.
Ako: Sino ang nasa limang daan (five hundred)?
Juan: Ninoy and Corazon Aquino.
Ako:  Sa dalawang daan (two hundred)
Juan: Diosdado Macapagal.
Ako: Nasaan si Jose Rizal?
Juan: Heaven.

 (Gusto ko man magalit, natawa na lang ako...at tumawa ng tumawa kasabay sila Julia at Rafael.)

Sa kabuuan, nakakapagpapainit man ng ulo ko ang hirap sa pagtuturo ay nakapagpapasaya pa din naman paminsan minsan ang mga kakaibang hirit nitong si Juan.

7 comments:

  1. hahaha! totoo!.. onga naman mommy, you're asking kasi kun nasaan si Joe Rizal..hahaha!

    ReplyDelete
  2. hahaha ang cute mo talaga bestfriend Juan!!

    ReplyDelete
  3. Hon, Bed, Jen and Jingke, kala nyo kung anong nakapagpapainit no? Kala nyo ang mga classic kong kwento about me and papa j. hehehe. Thanks for visiting here, girls.

    ReplyDelete
  4. nakaka-nose bleed ka Juan! this time sa Filipino naman, haha! Galing mo talaga Juan! alala ko lahat mga hirit ni Juan! Iba ka Juan! haha.. na-gets ko yun, akala mo.. :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Panalo talaga tong si Juan Hirit. Para bang pag pagod na pagod na ko at naiinis sa mundo, bigla nya kong pasasayahin ng walng kaabog-abog.

      Delete

Thank you for the joyful comments!