Dumalaw ang kaibigan kong si Jingle noong nakaraan buwan. Dahil bihira lamang akong magluto, tuwang tuwa kong ibinalita sa kanya na ipinagluto ko sya ng Ginataang Hipon na may Kangkong. Habang kumakain, napuna kong hayagan nyang iniiwasan ang mga kangkong. Kaya pala, dahil sa kanilang kondominyum sa Libis, ang mga kangkong ay nagkalat sa tabing ilog na ubod ng dumi. Maaga pa lamang daw ay hinahango na ng mga manininda ang mga kangkong na yaon upang ibenta sa katabing palengke.
Naalala ko tuloy ang kwento ng kapitbahay kong si Claire bago pa man dumalaw si Jingle. Minsan daw ay napanood nya sa telebisyon kung saan tumutubo ang mga kangkong. Diring-diri nyang sinabi na sa madudumi ngang tubig. Kaya magmula noon, kapag sya ay nagluluto ng sinigang, imbes na kangkong e talbos ng kamote ang kanyang isinasahog.
Sapagkat mahilig ako sa kangkong, ang pareho kong sagot kina Jingle at Claire,"ayos lang yun, huhugasan ko na lang mabuti".
Muli, naala ko ang mala "Maalala Mo Kayang" kwento noong akoy nasa elementarya pa. Ang turo ng guro kong si Ginang Camagay, ang mga dahon daw na may butas-butas ay di na dapat pang kainin dahil ito'y dinaanan na ng mga uod. Kaya ng minsang utusan ako ng nanay ko na maghimay ng kangkong, inalis ko ang mga may butas na dahon. Nang hiningi na ni Mama ang mga kangkong upang isahog sa kumukulo ng sinigang, napasigaw sya ng pagka-lakas-lakas, "anong ginawa mo sa kangkong, bakit ang konti nito?". Aba, pagmamalaki ko pang ibinulalas ang natutunan ko sa Home Economics. Imbes na matuwa ang nanay ko, lalo akong napagalitan, sabay sabing, "and dami dami nating kakain, paano kakasya ito. Hala dali kunin mo ang iba pang dahon ng kangkong!'. Mabuti na lang hindi ko pa nailalagay sa basurahan...kundi, eeewww!.
Akala nyo tapos na ang mahabang kwentong ito, di pa po...
Dahil ilang buwan na din akong di nagluluto ng kangkong, aking hinalughog ang lumang luma ng cook book - Masasarap na Lutuing Pilipino. Hinanap ko ang pahina kung nasaan ang Pinakbet, dahil ito ang binalak kong lutuin.
Pagbukas ko sa tamang pahina, natuwa ako sa aking nakita. Ang kangkong ay halagang isang sentimo lamang. E paano ba naman, ang librong ito at 1972 pa unang nalimbag. Aba'y hindi pa ako ipinapanganak noon, 1979 ako ipinanganak. O sya, para matapos na ang mga kwentong kangkong, ako ay ipinanganak isang taon matapos maisulat ang aklat na ito.
About Kangkong:
Also known as water spinach.
Comes in two varieties: purple stemmed with narrow leaves and white stemmed with broad leaves.
Rich in iron, calcium, vitamins B and C, amino acid, carotene, and minerals that is beneficial for people suffering from hypertension and diabetes.
Studies
• Hypoglycemic / Anti-Diabetic: (1) Study showed the boiled whole extract of I. aquatica to exert an oral hypoglycemic effect in healthy, male, Wistar rats after a glucose challenge. (2) An aqueous extract of the green leafy vegetable Ipomoea aquatica is as effective as the oral hypoglycaemic drug tolbutamide in reducing the blood sugar levels of Wistar rats.(3) Inhibitory effect of Ipomoea aquatica extracts on glucose absorption using a perfused rat intestinal preparation: Study showed a significant inhibitory effect on glucose absorption. Furthermore, results suggest the inhibition of glucose absorption is not due to the acceleration of intestinal transit. (3) Study showed the consumption of shredded, fresh, edible portion of IA for one week, effectively reduced the fasting blood sugar of Streptozotocin-induced diabetic rats.
• Antioxidant / Antiproliferative: Antioxidant and antiproliferative activities of water spinach (Ipomoea aquatica Forsk) constituents: Study showed the water extract of stems had the highest antiproliferative activity. The ethanol extract of the stems had the highest total phenolic compounds. The ethanol extract of leafves had the highest amount of flavonoids.
• Diuretic: Study on the diuretic activity of the methanol extract of Ipomoea aquatica in Swiss albino mice showed good diuretic activty. In all cases, the excretion of electrolytes and urine volue increase was higher than the standard diuretic, furosemide.
• Antioxidant: Study of a methanol extract yielded a compound ( 7-O-B-D-glucopyronosyl-dihydromquercetin-3-O-a-D-glucopyranoside) that exhibited antioxidant activity with an EC50 value of 83 and showed very strong lipid peroxidation-inhibitory activirty in a liposome model system.
(Source: http://www.stuartxchange.org/Kangkong.html)

Kaya sa SM Supermarket sa organic area ako pumupunta kahit mahal talaga.. mas safe siguro.. lol.. ganon pa man di mo ko mapipigilan isahog ang kangkong sa sinigang na bangus. masarap siya eh.
ReplyDeleteBTW, dami sana natin pwede puntahan today kundi lang okupado na ang araw. Me Food Exhibit sa WTC hangang bukas.. Sarap sana magpasyal don..
ang sosyal 'te, organic kangkong binibili mo!
DeleteHihihi...I also had that cookbook...can't seem to find it anymore :-(
ReplyDelete