May 13, 2013

The Right To Vote

I have many friends and relatives who blatantly said they will not waste their time to vote today. I'm not one to disagree nor curse them for not voting. May saysay din naman ang kanilang mga kadahilanan sa pagtangging bumoto. Most of them are tired of the same promises that the politicians say when campaigning. Ang iba naman ay umay na umay na of the rampant political dynasty in our country. 


Every election day, I'd say to my husband, "wag na tayong bumoto, nakakapagod lang at ang init pa ". Pero nangingibabaw pa din sa aming mag-asawa ang pananaw na karapatan at obligasyon namin ito para sa aming bayan at mga sarili. Sana nga lang ang aming mga binoto ay magtinong tunay. Hay...ito ba'y pangarap na lamang?


Compared to last automation, today is very organized. We were done in less than thirty minutes. The people are more comfortable to vote now than before. Maayos ang palakad sa presintong aming pinagbotohan. May mga taong nag-aasist sa mga botante. Ang mga guro ay mas mababait at mas nakangiti ngayon kesa noon.

May isa lamang akong inireklamo.  Ang sabi ko, "sana naman baguhin na nila ang listahan ng mga botante". Akalain mo naman dalawang dekada na ata ng kunan ang larawang ito.  Aba e, ang laki laki ng mukha ko para akong siopao, "di ako yan, Ma'am".  Natawa na lang ang mga guro. Pati ako natawa, hehehe! 




2 comments:

  1. Ikaw nga ba yan? haha.. Uu nga naman, parang iba ang identity sa list. hehe. I can't blame those people na hindi bomoto. eh kaka umay na nga naman. Wala namang pagbabago, pero lalong walang pagbabago kung di ka boboto diba?

    Done voting too! I thought my registration was not validated.

    ReplyDelete
  2. nakakatuwa ka talaga mare,nagiisa ka lang,mukhang mas mukhang bata ka pa ngayon kesa dati ha...

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!