June 7, 2013

Hagupit ni Manang

Sa tuwing aakyat kami ng Baguio, isang lugar doon ang di namin pinalalagpas puntahan. Di bale ng di ulitin ang ibang atraksyon, huwag lamang ang Strawberry Farm.


Naalala ko pa ang unang-una pagkakataong narating ko ang lugar na iyon. Dahil umuulan noon,  nadagdagan ng dalawang pulgada ang aming mga sapatos sa kapal ng putik.

 ay ng minsang naming suyurin  ang hilera ng mga tindahan. Dahil sa kagustuhang makabili ng pinaka matamis na strawberry, inisa-isa naming tikman ang lahat ng tindahan. Nabusog ako ng husto. Di na ko nakasabay sa tanghalian at hapunan pagbalik ng hotel.

Pero ang talagang di ko malimutan ay ang ikatlong pagkakataon na pagpunta namin doon. Habang namimili ng strawberry, panay ang tikim at kwento kay Manang. Bago ko bayaran ang prutas, eto ang aming usapan ni Manang:

Ako: Manang dagdag naman.
Manang: Ma'am, mas madami pa po ang inyong natikman sa aking idagdag.

(Aguy, napatikim ako ng hagupit ni Manang!)

Ang sabi ni John (na noo'y boypren ko pa lamang), "ikaw naman kasi, Babe, naka isang kilo ka na ata sa katitikim, may lakas ka pa ng loob magpadagdag!".


Ah, magmula noon, hanggang dalawang strawberry na lang ang aking titikman, tapos bibili na ako kay Manang ng di naman sya magdamdam.




2 comments:

  1. Kami din, nuong nagpunta kami ng Baguio alst January, we make it a point to do strawberry picking (and eating on the side,lol!)
    What a fun experienced, specially for the kids.

    ReplyDelete
  2. Wow! Ang sarap ng strawberries. ♥
    I love it!


    Rochelle ♥
    www.rochellerivera.com

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!