July 30, 2013

Mga Kakaibang Hayop

Sa aming mga paglalakbay di na bago ang mga kwentuhang kakatawa. Ang asawa ko ay ubod ng galing ng sense of humor na bigla na lang nakagagawa ng mg usapang di nadidinig kung saan saan lang.

Halimbawa na lang sa huling destinasyon namin sa Pangasinan, patungong Tara Falls at Bolinao Falls, naka diskubre kami ng mga kakaibang hayop na matatagpuan lamang sa New World Mendiolables Dictionary.

Una ay ang Bakambing, ito ang uri ng kambing na nagdi-disguise as baka, mukhang baka pero maliit sa kadahilanang ito nga ay kambing.


Ikalawa ang Bakaso, isang uri ng aso, di tulad ng bakambing na mukhang baka, ang asong ito ay hindi mukhang baka, me identity crisis lang at nagpapaka-baka.


At ang Tutambling, isang tuta na akala niya ay kambing siya at tumatambling tambling.
 

Ganito po kasaya ang aming mga travels. Sa mga nais makaranas ng mga kakaibang trips at usapan, maaari po kayong magpa book sa Occasions of Joy Travel and Tour Agency. Di po kamahalan ang aming rate. Kailangan lamang ay handa kayo sa walang habas na tawanan at kulitan.



Mga munting paalala: Bawal po ang maaarte, tamad, pasosyal, at di adventurous dahil ang tour guide na si Rafael Mendiola ay spontaneous, mabilis kumilos at multi tasker. Ang isang destinasyon ay nagagawa nyang sampu, mandalas ay lagpas pa.


A sense of humor…
is needed armor.  
Joy in one’s heart 
and some laughter 
on one’s lips 
is a sign that the person 
down deep has a 
pretty good grasp of life.

-Hugh Sidey

No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!