July 17, 2013

Payong ni Manong

Noong nakaraang Linggo, papauwi na ako mula Megamol ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. May tatlong paraan para ako makauwi. Una, tawagan si John upang ako'y sunduin ng kotse. Pero di ko ginawa yun dahil ayokong baka sya naman ang ma-ipit sa traffic. Ikalawa, mag taxi. Ang kaso, ang haba pa pila! At ikatlo e, maglakad.  Kaya lang wala akong dalang payong. Patay, ako nama'y mababasa!  

Hinintay ko munang tumila ang ulan. Nung ambon na lang, minabuti ko na ding lumabas ng mall at umuwi. Sa labas ng pintuan, may lalaking nagtitinda ng payong. Agad ko syang nilapitan at tinanong kung magkano ang isa. Aba, singkwenta lang. 

Minabuti kong lapitan si Kuya at makipagkwentuhan habang pinatitila ang ulam. Sya si James Reyes, 26 year old mula Bicol.  


Ako:  Manong ang sipag mo naman magtinda ng payong. 
James:  Kailangan, Ma'am e.
Ako:  Bakit, ilan ba  ang anak mo?
James: Wala po
Ako: Manong, wag ka magsisinungaling, isusulat ko to.
James; Wala nga po, Ma'am
Ako: Ows, walang lokohan. Sige ka, ilalagay ko sa Facebook to. Pag nakita to ng misis mo lagot ka
James: Wala po talaga. Single po ako.
Ako: Wow, sipag mo naman. Kasi yung iba pag single, tatambay lang.
James: (nagseryoso na si Manong) Kasi po Ma'am pinapag-aral ko ang kapatid kong batang babae na nasa Bicol.
Ako: Ambait mo namang Kuya.
James: Salamat po, Ma'am. Sino pa po ba ang magtutulungan kundi kami-kami rin lang naman.

Sobrang labo ng kuha, makulimlim dahil sa lahas ng ulan

Naalala ko tuloy ang Mama ko bago pumanaw. Ang sabi nya, magmahalan at magtulungan kayong magkakapatid. Kayo-kayo lang din naman yan. Galing sa iisang nanay at iisang tatay.

Kaya kesa tawagan si John para magpasundo o kaya ay sumakay ng taxi, bumili na lang ako ng payong ni Manong. Nakatulong na ko, nakauwi pa ko ng mabilis kesa maghintay ako sa pila ng taxi na pagkahaba-haba.

James buys the umbrella at 3-for-P100 in Quiapo. Sells each umbrella at fifty pesos. Sipag at tiyaga lang din talaga at biyayang dala ng ulan para sa tulad ni Manong Payong na mabait at matulunging Kuya sa kanyang nakabababatang kapatid..

Ang mapagkalingang payong ni Manong 
na madalas kong dala-dala sa ngayong panahon ng tag-ulan

Find Joy  in everything
You choose to do.
Every job, relationship,
Home…it’s your responsibility
To love or change it.
-Chuck Palahniuk

2 comments:

  1. Napa-comment ako bigla kahit iba nasa isip gawin right now. Very inspiring. I love to read a story such as this, yung magkakapatid na nagtutulungan. Imagine the sacrifice ni Kuya for his sister. Ganyan dapat magkakapatid talaga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. touching no...ako nga napabili at napabilib!!!

      Delete

Thank you for the joyful comments!