Iniiwasan kong magsulat ng mga negatibong bagay dahil masyado ng madaming problema ang bawat isa kaya as much as possible ang mga posts ko ay tungkol sa mga kaaya-ayang pangyayari sa buhay.
Ngunit di ko talaga kayang ipagsawalang bahala ang bawat nakikita. Hindi ako madalas sumakay ng MRT. Paminsan-minsan lang kapag ang karamihan ng tao ay naka bakasyon sa probinsya o kapag nagmamadali ako upang di ma-late sa appointment. Diba mas mabilis naman talaga ang byahe sa MRT? Wag nga lang sa tuwing rush hour kasi malamang sa haba ng pila, mga dalawang oras ka din maghihintay. Kung sa baba, traffic dahil sa sasakyan, sa MRT, traffic dahil sa dami ng mananakay at dahil sa kokonti ang bagon na lagi pang sira (hay!).
Sa tulad kong di naman madalas sumakay sa MRT, ayos lang ang paminsan-minsang paghihirap. Ngunit kung isa ka sa libo-libong nag-e-MRT araw araw, ay naku, malamang kunsumidong kunsumido ka na sa haba ng pila, kunsumido ka pa sa mga sira sirang elevators at escalators.

Dahil sa di kanais-nais na hirap ng akyat baba sa MRT dahil sa mga sira sirang elevators at escalators, ngayon alam ko na ang meaning nya, MRT - MAJOR REPAIR TO!
Sana naman, sana lang, (suntok sa buwan to), pero tubuan ng konsensya at kabaitan ang mga nakaupong pinuno ng bansang Pilipinas! Tigilan na muna ang pagkakamkam at ipagawa naman na ang MRT.
Hay...

No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!