July 16, 2015

July 16 Earthquake

I was a first year BS Biology student in Far Eastern University when July 16 Earthquake happened in 1990. I was riding a jeepney, I was asleep and woke by the shaking. I thought it was snowing but it was actually the broken glasses falling from the buildings around university belt. 

Upon reaching FEU, I looked for my friends but saw Rex. Who is Rex? He was my classmate whom I had a crush since day one of school. He looks a lot like Vin Diesel. More than the looks, I like Rex because he is intelligent and a  true gentleman.

I haven't seen or heard news from Rex since then but I continue to thank him for being honest, I hope wherever he is, life has treated him well.

Para sa mga batang magsisimula pa lang ma-in love sana may matutunan kayo sa istoryang ito. Ito mostly ay para sa mga lalaki, kung papaano dapat maging tunay na lalaki.

Crush na crush ko talaga sya. Alam na ata ng buong section naming na crush ko sya pwera lang sa kanya. Nung nagka earthquake ng magnitude 7.7 sa Philippines on Jul 16, 1990, all the students were asked to stay in school for awhile to be sure of everyone’s safety. Although it was a frightening sight, dahil biyak biyak ang mga daan, walls ng school, basag basag ang mga salamin, I was kilig deep inside, e kasi ba naman, kakwentuhan ko si Rex ng mahabang oras. I was on top of the world. Nag kwentuhan kami hanggang pinayagan na kaming umuwi ng kanya kanyang bahay. 

After a week, dumalaw si Rex sa aming bahay. Wow, I’m so happy! This is it, ipo-formalize nya na ang kanyang panliligaw! Imagine, ipinagtanong nya at hinanap ang aking lugar para ako ay pormal na ligawan! 

Pagdating nya, syempre I offered drinks and snacks, Rex said, "I'm not going to stay long. I just want you to know, I like you. I like you very much but I have a girlfriend back home. I don't want to hurt you and my girlfriend". OUCH!!! Mali pala ako ng akala! 

Ang sakit sakit pero hindi ako nakaramdam ng galit kay Rex, bagkus lalo akong napahanga sa kanya kasi pwede naman nyang itago, wala naman nakakaalam saan sya nakatira. Wala syang kamag-anak sa Manila. Pero lakas loob nyang sinabi sa akin ang katotohanan. Masakit umasa pero mas masakit kung lolokohin ka.

Kaya sa mga kabataan na nagtatanong kung may forever, meron naman. Pero wag madaliin ang buhay. Mag-aral munang mabuti. Magtapos. Magtrabaho. Tumulong sa mga magulang. Mag travel. I-enjoy ng todo ang pagiging single para handa ka na pag dumating na ang iyong forever love. Tingnan nyo ako, masaya, nahanap ang tunay na forever. 

No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!