July 8, 2015

Nagngingitngit na Langit

Buwan ng Hulyo na naman. Ito ang panahon ng tag-ulan. Ito rin ang buwan ng aking kaarawan. Masaya ako tuwing umuulan ngunit ang ayaw ko ay mangamba sa kaligtasan ng aking mga anak.


Ito ay isang bukas na liham para sa aking ninong at Ama ng Bayan ng Mandaluyong - Mayor Benhur Abalos. 

Ika-apat pa lang ng umaga kanina panay na ang tawag ko sa mga kinauukulan upang alamin kung may pasok ba o wala ang Mandaluyong. Ang sagot nilang lahat, "wala pa pong announcement si Mayor". 

Isang buwan pa lang ang natatapos sa pasukan ng taong ito pero dalawang beses ng huli ang pagkansela ng iskwela kaya hayan naipit na naman sa baha ang mga bata.

Sana naman sa susunod aga-agahan ang pag announce, sapagkat di naman lingid sa ating lahat na ang Mandaluyong ay nagiging munting dagat sa kagyat na ulan lamang.

Ninong, huwag po sanang ikagalit, sapagkat ito ay isyu ng lahat ng mga batang naipit at naiipit sa nagngingitngit na langit.

Photo taken last March for Julia's confirmation
Photo taken September 11, 2000 at Archbishop's Palace,  Villa San Miguel

No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!