Adbox
LightBlog

September 2, 2015

Tunay na Kaibigan

Gulong-gulo ako sa araw na ito! Hindi ko malaman kung ngayon ko ba sya babatiin o bukas. Kaarawan kasi ng pinaka magandang babae sa Hollywood (syempre sya ang pinaka maganda para sakin, sya lang naman ang kakilala ko doon na kilala din ako). 

Akala ko noong lumipad sya papunta ng bansang Amerika e malulungkot ako. Hindi pala. Hindi naman dahil di ko sya lab (love), kaya lang kasi parang di din naman kami naghiwalay. Ang oras kasi na gising ako ay pang call center (gising sa gabi, tulog sa umaga) kaya nagkaka-abot kami sa himpapawid (Facebook).

Madami akong ipinagpapasalamat sa aleng ito. Una, pinadalhan nya ako ng Contis cake noong Hulyo 12 para sa aking ika-42 na kaarawan (hahaha, ambabaw!). Pangalawa, noong may nam-bully sa akin ng nakaraang taon ay ipinagtanggol nya ako sa mga bashers at haters. Ikatlo at higit sa lahat, sa oras ng ako'y batuhin at batikusin ng mga dati kong mahal na mga kaibigan ay hindi nya ako iniwan. Ika nga ng kasabihan, "malalaman mo ang tunay mong kaibigan sa oras ng kagipitan".

Kaya para sayo, Nuts Nora ng More Than Just A Sahm, isang maligaya at mapagpalang kaarawan!
Salamat sa walang puknat na huntahan gabi-gabi.

Ito ang masasayang Adobo Club Adventures natin...


1 comment:

  1. Thank you so much for this banner greetings! We shared a lot of things, experiences and adventures. I just echoed myself haha, posted this in my wall. I never miss you at all, haha. pano naman lagi ka andyan. Salamat. You knew what I've been through and thank you always for listening. i-hashtag pa ba naten? :)

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!

LightBlog
LightBlog