Ako ay isang nanay na nasa bahay lang at hindi nararanasan ang hirap na sinapit at sinasapit ng karamihan dahil APEC, naaawa pa rin ako sa aking mga kababayan. Di ko tuloy maialis sa aking isipan ang salitang "PAKITANG TAO".
Pakitang tao ang pagkukunwari sa ikinikilos para hangaan ng nakakakita o nagmamasid. Ito ang kasalukuyang ginagawa ng mga pinuno ng ating bansa para maipakita sa iba na malinis at di trapik sa kalakhang Maynila.
Akalain mong dali-daling nalinis ang mga kalye sa mga nakahambalang na sasakyan, napailawan ang madidilim na daan, naibahay (o ikinulong daw?) ang mga palaboy, nakabili at nakapagpagawa ng mga mamahalin gamit, para sa mga bisita mula sa ibat ibang bansa.
Ganun pa man, umaasa ako na mapapanatili nilang malinis at maliwag ang mga daan, pakainin at tuluyang bigyan ng tutuluyan ang mga palaboy upang di naman maging katotohanan na pakitang tao nga lang ang lahat ng mga pangyayari para lang sa APEC.
Ako ay nagdarasal para sa mga kasalukuyan at mga susunod na pinuno ng bayan. Gayundin, ipinagdarasal ko ang mga ordinaryong mamayan dahil tayo namang lahat ay Filipino sa mahal na inang bayang Pilipinas.
Ako ay nagdarasal para sa mga kasalukuyan at mga susunod na pinuno ng bayan. Gayundin, ipinagdarasal ko ang mga ordinaryong mamayan dahil tayo namang lahat ay Filipino sa mahal na inang bayang Pilipinas.

No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!