Noong unang panahon, bunso ako sa apat na magkakapatid. Si Ate Rose, Ate Sheila, Kuya Bob at ako. Pitong taon akong bunso hanggang nasundan ni Jubert. Limang taon naman naging bunso si Jubert ng masundan ni Liezl. Kaya umabot kami ng kalahating dosena.
Ito nga pala ay mga kwentong kuya, syempre tungkol sa Kuya Bob ko. Naisip kong isulat kasi kaarawan nya ngayon. Pang Maalala mo Kaya Monday ang tema ng post na to.
Napakarami kong larawan noong bata ako na may sungay, may bigote, burado ang mukha at kung anu-ano pa dahil yan kay kuya. Kasi pag nag-aaway kami pinagdidiskitahan nya ang mga pictures ko.
Napakarami kong larawan noong bata ako na may sungay, may bigote, burado ang mukha at kung anu-ano pa dahil yan kay kuya. Kasi pag nag-aaway kami pinagdidiskitahan nya ang mga pictures ko.
Noong maliit kami madalas kaming mag-away. Naiinis sya sa akin dahil mas mabilis akong magbasa sa kanya. Naiinis naman ako sa kanya dahil ang galing galing nyang mag drowing, kaya ang ilan sa mga proyekto ko sa paaralan ay sya ang gumawa. Mataas ang naging marka dahil sa maganda ang pagkagawa! Kung ako ang gumuhit, ay patay na!
Noong nagbinata at nagdalaga na kami, natigil na ang mga sungay, buradong muka at iba pa sa aking mga larawan. Ang nangyari naman ay nawawalang bigla ang mga bago kong t-shirt, pati ang LEVI's pants (orig ka hindi gawang Recto!) ko na pinaka iingatan! Likas akong matipid na bata. Pinag-iipunan ko ang mga bibilhin ko. Minsan ko lang din isuot para di maluma kaagad. Kapag susuotin ko na nawawala! Yun pala sinuot na ni Kuya! Hay...
Madami akong ipinagpapasalamat sa aking Kuya. Hindi naman sa pagmamayabang, madaming gustong manligaw sa akin noon, pero dahil likas na matapang si Kuya, natakot at hindi na nagtangka pang manligaw ay may maduduming balak sa akin. May kapit-kapitbahay kami noon, ipinagkalat na boypren ko daw sya. Nagalit si Kuya, kinausap at pinapunta sa bahay namin, pinagharap kami at tinanong kung boyfriend ko nga. E hindi Ayun, ang siste pinahingi ng tawad sa akin ni Kuya si mokong.
Magaling din syang magluto. Kaya nung kaarawan nya last year, sinubukan kong magluto ng pansit. First time yun, kabado ako kung ano ang kanyang masasabi.
Ipinagpapasalamat ko sa Poong Maykapal na siya ay aking Kuya!

No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!