Adbox
LightBlog

January 18, 2017

Dr. Cahilig of SSS Kalentong

According to news, SSS gets most complaints via President's Hotline 8888. No wonder SSS is on top of the list because ako mismo ay madalas na biktima ng mga kasungitan ng mga empleyado ng SSS Kalentong. Yung tipong nagtatanong ka pa lang sa guard e para ka ng pinagagalitan. Tapos pag humingi ka lang ng forms e parang napakalaki ng nagawa mong kasalanan. Nakakatawa mang basahin ang sinulat ko pero totoo pong nangyayari yan sa SSS Kalentong. Malamang ganundin sa iba pang SSS branches.

Pero dahil ang blog na ito is about sharing of joyful news and happenings, I'd like to focus sa katangi-tanging employee ng SSS. Sya po ay walang iba kundi si Dr. Cahilig. Kung ang karamihan sa kanyang mga kasamahan mula sa guard, taga bigay ng forms at nurse na nakatalaga sa Medical Section, si Doktora Cahilig po ang kinahihiligan kong makita sa tuwing ako ay magpupunta doon para magbayad ng contribution at mag file ng claims hindi kasi sya masungit. Maayos nyang sinasagot ang mga katanungan at magalang din nyang sinasabi ang mga dapat i submit na mga kaukulang forms sa pag claim ng sickness o health benefits. Nawa ay dumami pa ang katulad ni Dr. Cahilig.


No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!

LightBlog
LightBlog