April 13, 2017

Isagani Loreno - Kahanga-hangang Pinoy

Sa totoo lang, sa panahon ngayon na napaka hirap na magtiwala sa kapwa dahil sa mga pangyayaring di magaganda tulad ng budol at iba pa. Nakatutuwang isipin na marami pa din namang kapuri-puring Pinoy tulad ni Isagani Loreno.  

Nagkasabay kami sa jeep, nagtatanong ako sa driver kung papaano puntahan ang isang lugar sa Quezon City. Pero dahil busy si Kuya driver si Isagani na ang sumagot sa akin. Hindi pa doon natapos ang kanyang pagtulong, dahil umuulan pinayungan at sinamahan pa nya ako sa ekasaktong pupuntahan ko.  

Saludo ako sa kabaitan at pagtulong mo, Isagani! Nawa ay mas dumami pa nag Filipinong tulad mo.


No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!