Noong ako ay mag-aaral pa sa elementarya, ipinadgririwang ang Linggo ng Wika sa isang buong Linggo sakop ang Agosto 19, and kaarawan ni Manule L. Quezon (Ama ng Wikang Filipino).
Sa pamamagitan ng Proklamasyong Bilang 1041 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, ang Linggo ng Wika ay pinalawig noong Enero 15, 1997 at ginawang Ang Buwan ng Wika. Kaugnay nito, maraming mga kaganapan ang ginagawa upang ipagdiwang ito, gaya ng sabayang pagbigkas, balagtasan, paggawa ng slogan, paggawa ng mga sanaysay, pagbigkas ng mga tula, pagsasayaw ng mga katutubong sayaw at pag-awit ng mga katutubong awit.
Ang aking kambal na anak ay tatlong taon ng mag-aaral ng City of Mandaluyong Science High School, ngunit ito ang unang taon na ako ay nanood ng kanilang selebrasyon bilang isang kinatawan ng General Parents and Teachers Association.
Ang masasabi ko lang, sulit ang pagod at puyat sa pagluto ng mga kakaning Pinoy para sa okasyong ito sapagkat napaka saya ng araw na ito.
Salamat sa lahat ng bumuo ng Paaralang #MandSci mula kay Dr. Evangelista, mga guro, mga mag-aaral, mga tagapangasiwa at mga magulang na walang pagod na sumusuporta sa #MandSci!

No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!