December 13, 2017

Buhay Blogger

Ang akala lang ng iba (yung mga hindi nagba blog) blogging is all all nice and easy. Aba, hindi ah! Buwis buhay din ang aming mga pag cover sa events to promote products, brands and celebrities.

Masaya naman ang mag blog lalo na kung mami meet, makakaharap at makakausap ang tulad nila Arnel Pineda, Apl De Ap at iba pang mga sikat na tao.

Ngunit ang mga dangers sa kalye, katulad ng mga snatch ng gamit, mabastos, mapagbalakang ihulog sa taxi ng taxi driver. O mapag nasaan kang siraan ng mga masasamang loob. Lahat ng yan ay walang hazzard pay.

Masaya naman ang mag blog lalo na kung ang PR or company na nag invite ay may puso. Yung tipong inayos ang lahat di lamang kumita sya, kundi iniisip nya ang kapakanan ng mga bloggers.

Pwede ka naman mag blog na di mararanasan ang mga hirap sa kalye. May mga bloggers na nasa bahay lang. Yun namang mga bloggers na katulad ko ay na iinvite to cover product launch and other events.

Mahirap bang mag blog? Yes and No. No muna. No dahil ito ay isang form of recreation. Para kang nakikipag usap sa isang kabigan. Therapeutic ika nga. Yes, mahirap, dahil open ka for critism. If sensitive ka o takot mapulaan ng mga bashers, wag ka ng mag blog.

Masaya naman ang mag blog lalo na kung inaani mo na ang ilang taong iyong pinaghirapan. Papadalhan ka ng mga companies ng products nila for feature and promotion. May mga paid posting din wherein you can name your price just to write about a product.

Dahil sa blog na ito may mga kaibigan at kakilala ako na matagal ko ng di nakikita. Nahanap nila ako dahil nabasa nila ang isang post ko. May mga readers din ako na naging kaibigan ko na dahil natulungan sila ng mga naisulat ko minsan.

Gusto mo ng mag blog? Start mo na. Baka yan ang gawain na para sa iyo. Ito ang ilan sa mga eksena ng isang buhay blogger ko. Panoorin mo...



No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!