Bilang isang anak ng Bikolana, lumaki ako sa mga pagkaing mayaman sa gata. Isa sa pinaka paborito ko ay ang Ginataang Kuhol pero hindi ako marunong magluto nito. Maaga kasing sumakabilang buhay si Mama hindi nya
Kaya nung nagtanong ang kaibigan ko kung marunong akong magluto ng kuhol, hindi ang mabilis kong tugon. Nagke crave daw kasi sya sa kuhol. At dahil sobra mahal ng kuhol sa Saipan, iminungkahi nyang tuturuan nya ako pag bisita nya sa Pilipinas. Kaya nagkaroon kami ng Ginataang Kuhol Cooking Session with Mareng Jingle noong nakaraang Linggo.
Madali lang naman pala ang magluto nito. Ang mahirp ay ang paglilinis ng kuhol, kasi mahaba ang proseso, dalawang kilo pa naman ang binili kong kuhol! Mabuti na lang sakto at bumisita din ang aking hipag na si Ate Gaye. kaya tatlo kaming nagtulong tulong magluto ng kuhol.
Ingredients: 2 kilong kuhol, 4 na kakang gata, 4 na tali ng kangkong, sibuyas, bawang, luya, siling pang sigang, asin at paminta.
Paraan ng pagluluto: Igisa ang sibuyas, bawang at luya. Ilagay ang kuhol. Igisa. Ilagay ang gata na hinaluan ng tubig (ikalawang hugas). Takpan at pakuluan. Ilagay ang kakang gata, hintayin kumulo muli. Ilagay ang kangkong at sili. Patayin kaagad ang apoy pagkatapos ilagay ang kangkong at sili.

No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!