Pumanaw na ang batikang rock artist na si Pepe Smith ngayon. Pagpupugay sa musikerong tunay na nagmahal sa Awiting Pinoy. Ang kanyang tunay na pangalan ay Joseph William Feliciano Smith. Kilala bilang Joey Smith o Pepe Smith. Ang kanyang mga magulang ay Aleman-Amerikano (ama), Filipina-Cebuana (ina).
Si Pepe ay kabilang sa kilalang grupong Juan Dela Cruz, kasama ang mga manunugtog at mang-aawit na sila Wally Gonzales at Mike Hanopol. Ang Juan dela Cruz Banda ang nagpasimula ng "rock music revolution" sa Pilipinas.
Ang mga larawan sa baba ay kuha sa SM Baguio, taong 2010

No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!