April 3, 2021

Lugaw ala Mendiola

Day 93 of 2021 - Lugaw ala Mendiola na binudburan ng malunggay ni nanay para sa mas masustansyang almusal, tanghalian at hapunan.

Masyadong sumikat ang lugaw nitong mga nakaraang araw dahil sa nag viral na video. Ayoko ng dumagdag pa sa milyong milyong pinoy, dito man o sa ibang bansa, na nag bash kay ate. Kung tutuusin gusto nya lang talagang maging mahigpit sa pagpapatupad ng curfew, medyo sumablay nga lang sa lugaw is not essential.

Sa totoo lang lugaw is essential dahil ito ay isang complete meal na on its own, dahil may halong "go, grow, glow", tulad ng kanin, gulay at protina.

Pwede din itong kainin sa kahit anong oras, mapa umaga, tanghali o hapunan. Noon nga midnight snack ko pa ito dahil after ng work sa Shakeys tutuloy kami ng mga ka trabaho ko sa katabing lugawan.  Kaya medyo mataba ako noon kasi madalas akong kumain ng lugaw bago matulog. 😀

Iba't ibang klase ng lugaw ang inyong matitikman sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Ang sa akin ay simple lang. Pinasustansya ko lang ng maigi sa pagbubudbod ng malunggay.


No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!