May 28, 2012

Huling Hirit sa Tag-init

Madami-dami kaming nalibot at napuntahang malalayo at magagandang lugar nitong araw ng tag-init. Naglambing ang ikalawa kong nanay (stepmom) na ipag-swimming naman sila. Dahil medyo mahirap ng i-byahe ang Tatay namin, ipinagpasya ko na sa Grotto Vista na lamang sila dalhin. Malapit lang kasi ang lugar sa bahay ng panganay kong Ate. Malapit din sa Novaliches, kung saan ang dalawa ko pang kapatid na babae ay nakatira.  Dito na lang para kako makapunta ang lahat.

Maaga kaming mag-asawa doon para magpa-book ng rooms for an overnight stay. Ang kaso, sa parking pa lang, ay sus, punong-puno! Aatras na sana kami, mukha kasing wala ng lugar na maliliguan pa. Hindi ko na muna pinababa ng kotse ang asawa ko, mga anak at pamangkin. Binisita ko muna ang loob ng resort. May kalumaan, pero malaki naman. May ilang pa rin namang lamesa na paglalagakan ng mga gamit at pagkain. Kaya, sige, dito na nga.

Simple man ang lugar at punong-puno ng taong humahabol din ng huling hirit sa tag-init, walang katumbas na saya ang dulot ng pagsasama-sama naming pamilya. Mas masaya pa sana kung nakadating ang Ate Rose, Ate Sheila at bunsong si Ching.



3 comments:

  1. the family that swims together. stays together:-)

    ReplyDelete
  2. Next time you opted to swim in san jose, try pacific waves nman. it's a scenic and peaceful resort malapit din sa grotto. and it's unbelievably affordable. the rooms are much bago and classy pa ^_^

    ReplyDelete

Thank you for the joyful comments!