October 15, 2012

Ikalawang Nanay

Maaga kong binaybay ang kahabaan ng lansangan noong nakaraang Oktubre 12. Ikapito pa lang ng umaga sakay na ako ng MRT patungong Novaliches. Kaarawan ng ikalawa kong nanay, na ang karaniwang tawag ng iba ay madrasta o stepmother kapag nanonood ng princess movies at stepmom naman kapag sosyal ang bumibigkas. 

Gusto ko lang balikan ang nakaraan. Naaalala ko pa noong una ko syang nakita, inis na inis ako! Ang pangako kasi ni Itay e di na sya muling mag-aasawa nung sumakabilang buhay si Inay. E, aba  tatlong taon pa lang namamahinga si Mama umarangkada na si Papa. Di ko sya talaga gustong pumasok sa aming pamilya. Kaya naman ang aleng ito ay  matagal-tagal ko ding binigyan ng kaukulang sakit ng ulo. Hindi naman ako sumasagot ng pabalang. Hindi ko lang sya binigyan ng pagkakataon na kami'y maging magkadikit o magkasangga.



Di naman naglaon bumuti din ang aming samahan. Ngayon, tunay namang aking ipinagpapasalamat  sa Poong Maykapal na sya ay dumating sa aming buhay, lalo na sa buhay ni Tatay. Sapagkat sa kanyang pag-aaruga at pagmamahal, si Itay  (bagkus may karamdaman) ay napapanatili ang kanyang kagwapuhan.

Ganyang talaga, minsan may darating na tao sa iyong buhay na di mo aakalaing  iyong mamahalin ng tunay, tulad na lang ng aking ikalawang Nanay.

Salamat, Tita!



1 comment:

Thank you for the joyful comments!