Taon-taon ay pumupunta kami sa Baguio ngunit nitong nagdaang dalawang taon ay hindi namin binisita ang lugar na ito. Ang huling punta namin ay noong Disyembre 2010. Sabi ko sa asawa ko, "Tay, tama na ang Baguio, nakakasawa na. Pare-pareho naman ang atraksyon na ating dadatnan". Pero dahil likas kaming lagalag at walang magawa sa bahay, biglaan namin inakyat muli ang malayo, mataas, at malamig na lugar na ito noong nakaraang Enero 2 - 4.
Sa unang pagkakataon, minabuti naming hindi mag hotel at pinag desisyunan na umupa na lamang ng transient home. Noong una, nag-aalala ako na baka hindi magustuhan ng aking asawa at mga anak. Aba, mali pala ako ng akala! Ayos naman sila sa lugar ng Recedencia Alekzandrra. Bukod sa mura na e pwede pang magluto.
Sa lahat ng pagbisita namin ng Baguio. Ito na ata ang pinaka madami kaming nagawa. Sa unang araw inikot na namin ang mga lugar na malapit tulad ng Mines View Park, Good Shepherd, Botanical Garden, White House at Pink Sisters Convent.
 |
Lateral White House |
 |
Pink Sisters Convent
|
Ikalawang araw: Bell Church, Strawberry Farm, Tam-awan Village, Arko ni Apo, BenCab Museum, Asin Wood Carving Village, Camp John Hay, Baguio Country Club, Burnham Park, Rose Garden
 |
Arko ni Apo |
 |
Wood Carving Village |
 |
Burnham Park |
 |
Rose Garden |
 |
Camp John Hay |
 |
Baguio Country Club |
Ikatlong Araw: Lourdes Grotto, The Ruins of Diplomat Hotel, Largest 10 Commandment Tablet
 |
Biggest Ten Commandment Tablet |
 |
Lourdes Grotto |
 |
The Ruins of Diplomat Hotel |
Suma tutal, ang Baguio paulit-ulit mang puntahan ay di pa rin namin pagsasawaan.
Tunay pa ring babalik-balikan dahil sa malamig na klima doon!
Ang sarap pumorma, ika nga ng mga kabataan.
At ng dahil sa lamig, ang kaning aming niluto,
tatlong araw man ang lumipas ay di napanis.

So nice naman po Ninang, Ang enjoy nung Baguio trip niyo po =))) I hope po we can go there too. Ingat po Ninang and to your family. Godbless po!
ReplyDeleteSalamat sa napakasayang trip! grabeng dedication ginawa dito ni Papa J. next time, ikaw naman magdrive, :) salamats. naka impake na ko, tara na ulet. habol pa tayo sa lamig. :)
ReplyDelete