September 25, 2013

Munting Kayamanan

Last night as we watched Titanic, di ko sya masyadong na enjoy. It's the first time that I didn't enjoy this legendary movie, e pano naman ang pumapasok sa isip ko ay si Napoles at ang mga ass- _ _ - les na pulitiko. 

Much has been said, written and reported about pork barrel scam. It is at present being tackled in the Senate.  Senator Jinggoy Estrada is actually accusing many politicians of misuse of their funds. Ang akin lang e, magtyatyaga ba silang lahat sa posisyon na maliit lang ang sahod if wala silang napapala sa mga ganyang pork barrel? Hmmm. The need for power and greed?

Paano kaya kung gumawa ang Pilipinas ng isang Titanic, tapos isasakay lahat ng mga walang konsensyang pulitiko doon. May reward ang lahat ng sasakay. Paghahati-hatian nila ang kanilang mga pork barrel. Ang catch nga lang, ibabangga sa iceberg at ilulubog ang ship at di na iaahon pa para tuluyang mabago na ang kanya kanyang kuha sa pondo ng bayan. Do I sound harsh? Morbid maybe? 

I don't want to talk much about this kind of "unhappy topics" but I can't help it.  I'm just hoping na may mangyari sa mga ginagawa nilang imbestigasyon, e kung hindi, hay, nagsayang na naman tayong lahat ng pagod, puyat, kuryente sa kakapanood ng mga balita.

Anyway, pasakalye lang naman ang nauna kong sinulat. What I actually want to write about is the woman na nakasakay namin sa jeep last May 2013. I wanted to write about her last Mother's Day but I can't find her photo for months. 

Dahil sandali lang namin syang nakausap, di ko nakuha ang kanyang pangalan but I fully remember everything she said...


Ako: Happy Mother's Day po kung kayo po ay mother.
Sya: Salamat anak. Oo, nanay ako. Isa lang ang anak ko. Alam nyo e, matagal akong nagtrabaho sa gobyerno. Di ako nakaipon, maliit ang sahod, pero taas noo at ipinagmamalaki kong ni minsan e hindi ko naisip magnakaw sa gobyerno natin. Yan lang ang munting kayamanan na dadalhin ko hanggang sa huling araw ko sa mundong ito.


Ilan kayang politiko ang kayang sabihin ang ganito?

No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!