Adbox
ads
LightBlog

January 6, 2015

Adobo Flakes

Kahit ata anong gawin kong effort, di ko makukuha ang tamang pagluto ng mailap na adobo. Akalain mo ba namang isang bituin, Star Orjaliza, na ang nagturo sakin kung paano madaling lutuin ang adobo, e, wala pa din. 

Kahapon nagluto ako ng pork adobo upang pasayahin ng lubusan ang aking kabiyak...

Ako: Kamusta, Dad, ang adobo?
Tatay: Hmmm, matigas ang pork.
Ako: Kamusta, naman ang lasa ng adobo?
Tatay: Hmmm, walang lasa, parang di adobo.

Ouch! Sino pa ba ang dapat kong imbitahin para ituro sa akin ang tamang timpla ng adobo, Nora Aunor o Vilma Santos? Ay teka, di ko sila kapanahunan. Dapat bang si Marian Rivera o Heart Evangelista pa?

Mabuti na lang may iba pang paraan. Dahil mahilig ang mga anak ko sa adobo flakes, doon ko na lang ibinuhos ng lubos ang galing ko sa pagluluto (hehehehe!).


"I lack the knack for cooking 
but I make up for it with a lot of LOVE."
-Joy Mendiola
Januray 6, 2015

No comments:

Post a Comment

Thank you for the joyful comments!

LightBlog
LightBlog