Ang post na ito ay dedicated dun sa mga taong nagreklamo dahil namahagi ng buto ng mga halaman si Senador Villar. Mabuti nga sila binibigyan. Ako madaming proseso bago makapagtanim. Bibili sa palengke ng gulay, magbabalat, magluluto, maghahain para makakain ang buong pamilya, maghuhugas ng mga pinaglutuan, maglilinis ng bahay. Pagkatapos ng lahat tsaka pa lang ako makapagtatanim sa munti kong halamanan.
Sana mabasa ni Senador Villar ito at mabahagian din ako ng buto, pati na din sana lupa at paso na pagtatamnan. 😀
Bored ka na ba? Walang magawa? Subukan mo kayang magtanim. Ayaw mo kasi maliit ang lugar mo at wala kang lupa? Pwes, ang kangkong ang isa sa pinaka madaling patubuing gulay. Ilagay mo lamang ang tinabas na tangkay sa tubig, sa loob ng pitong araw ganito na ang kalalabasan nyan...

"Ang pagtatanim ay isang mahabang proseso ng pasensya, pag-aantay at pag-asa."
No comments:
Post a Comment
Thank you for the joyful comments!